Kabuhayan showcase ng OFW

Madalas ay iniisip ng mga pamilya ng overseas Filipino workers na ang kanilang mister, misis, kapatid, o tita ay laging tumatanggap ng mala­king pera habang nagtatrabaho sa ibang bansa. Kung kaya ang paggasta sa pinapadalang remittance ay parang wala nang bukas.

Sa bandang huli, panay na ang paghingi ng pera para sa kanilang panganga­ilangan. Minsan ang iniisip na remittance na automatic na parang bank transfer na kapag hindi dumating sa karaniwang date,  ang miyembro ng pamilya ay ipinangungutang na ang pera wala pa mandin. Ubos biyaya sa mga ipinapadalang pera na hindi man lang maisip na tulungan ang OFW na magtabi  ng pera.

Sa malas, kapag napauwi ang OFW sa bansa na walang pera ay pare-parehong nganga dahil kapwa rin hindi naisip ng pamilya na darating ang oras na matatapos din ang kontrata. Pero kapag biglaang napauwi sa mga hindi maiiwasang kadahilanan ay saka lamang magsisisi na sana ay natututong humawak ng pera na pinaikot hindi lamang sana sa palad kundi sa pagpundar sana ng kabuhayan showcase para sa pamilya.

Show comments