Instagram, Facebook, Mobile Legends may epekto sa Sex

Bawas-bawasan natin ang kape-facebook, Instagram at iba pang social media.

Bawasan din ang pagbababad sa Mobile Le­gends at iba pang E-games.

Hindi naman masama ang social media at E-games pero kung puro facebook, instagram, Twitter, at iba pa  at Mobile Legends at kung anu pang E-games ang inaatupag, hindi na maganda.

Kapag kasi ‘kinain’ ka na kasi ng social media at gaming, nakakalimutan mo na ang katabi mo.

Ibig sabihin lang nito, hindi mo priority ang iyong relationship, sabi ni Logan Levkoff, M.D., isang sexologist.

Nawawalan na ng oras para sa sex. Imbes na nag-eenjoy kayong dalawa sa kama, puro social media at gaming na lang ang nangyari.

May oras para sa lahat ng bagay. Puwede namang mag-facebook o mag-Instagram sa ibang oras. Iwasan na lang gawin ito kapag nasa tabi ang jowa mo.

Puwede naman itong gawin habang nagkakape o kaya ay nasa biyahe.

TANDAAN LANG NA LAHAT NG SOBRA AY MASAMA.

Show comments