Positibong pananaw ng bata

Kailangang maunawaan ng anak ang epekto ng kanilang iniisip, action, sinasabi, at maging ng reaction ay mahalaga sa pag-build up ng kanilang wellness at pagkatao.

Kung ang anak ay alam kung paano mag-isip ng positibong bagay habang bata pa, malaki ang pagkakataon na lalaking happy, healthy, at matagumpay na adult ang anak balang araw.

Importante na gabayan ang anak sa kanilang landas na nakasalalay sa mga nakatatanda na simula na ma­ging magandang halimbawa upang maituro ang tamang direksyon habang lumalaki ang bata.

Ang mga magulang ay dapat maging mabuting example sa mga anak. Ang mga bata ay katulad ng hulmahan na kung anong hugis ang ginagawa sa kanila ay mag-iiwan ng marka o impression sa anak.

Show comments