Sintomas ng Mental Breakdown

May mental breakdown na sintomas na dapat malaman gaya ng nakararamdam na wala nang pag-asa. Madalas ay laging nalulumbay.

Nagkakaroon ng negatibong emosyon tulad nang nalulungkot, nasasaktan, at nababalisa na feeling ay pasan ang mundo na hindi na kayang harapin ang mga bagay. 

Nag-iisip na lahat ng tao ay gusto kang ibagsak o i-let down. Hindi na kayang panatilihin na manirahan sa ligtas na lugar o makakuha ng sapat na pagkain. Mas hinahanap ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot o pag-iinom upang malampasan ng maghapon. Nakararanas ng mood swings. Madalas hindi mapakali at nababalisa.

Nagsisimulang magkaroon ng guni-guning makarinig o makakita ng mga bagay na wala naman. Naiisip na saktan ang sarili o ang ibang tao.

Kung ang mga nabanggit ay nakikita ang sarili, kailangan magpatingin sa iyong doktor upang ma-assess at mapag-usapan ang mga bagay na nagpapagulo sa iyong isipan.

Show comments