Household items, ilang taon natutunaw?

Nakakaalarma na ang plastic ay puwedeng manatili ng 500 years bago ito matunaw. Gaano naman katagal matunaw ang mga household items na tinatapon natin sa basura? Alamin ang mga items at kung ilang taon bago ito ma-decompose.

Tulad ng paper towel na 2-4 weeks, balat ng saging 3-4 weeks, paper bag, diyaryo 1.5 months, apple core - dalawang buwan, cardboard na dalawang buwan, cotton glove - 3 months, balat ng orange – 6 months, plywood – 1-3 years, wool sock – 1-5 years, karton ng gatas – 5 years, upos ng sigarilyo  na 10 -12 years, leather na sapatos 25-40 years, lata ay 50 years, ang foam at plastic cups ay 50 years, at rubber shoes ay inaabot ng 50-80 years.

 Alarming din na malaman na ang aluminum na lata ay inaabot ng 200 – 500 years bago ito matunaw. Inaabot ng maraming taon ang plastic bago ito matunaw. Gaya ng plastic containers – 50 -80 years, plastic bottle ay 450 years, disposable diapers ay 550 years, mono-filament fishing line ay 600 years, ang plastic bag ay 200 – 1000 years.

Show comments