Pangakong Napapako ng mga BF

Dear Vanezza,

Bakit ganun lagi akong pinapangakuan sa umpisa pa lang ng mga nagiging BF ko na pakakasalanan ako. Pero kapag nakuha na nila ang katawan ko ay bigla na silang naglalahong bula. Palibhasa ay lampas na ako sa kalendaryo kaya payag din ako.  Kaya nga hindi na ako naniniwala sa forever. Kailan ko kaya mahahanap si Mr. Right na hindi lang katawan lupa ko ang habol. Kundi ang kabutihan din ng puso ko.

Dina

Dear Dina,

Kilalanin munang mabuti ang isang lalaki bago makipagrelasyon. Upang maiwasan na magkamali. Huwag mainip na makita si Mr. Right dahil minsan hindi mo kailangang hanapin dahil kusa itong darating sa iyong buhay.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments