116-year-old haunted doll na walang mata, biglang dumilat!

Ang dalawang Paranormal investigators na sina Craig Jones, 28, at Matt Wood, 48 ay pumasok diumano sa isang abandonadong building na kilala sa tawag na The Village of the Damned na matatagpuan sa Mansfield, Nottinghamshire.

Pinaniniwalaang ang mga taong nagpupunta rito ay nakararamdam ng matinding pagkahilo, pagkasuka at sobrang samang pakiramdam sa tuwing ma-e-encounter nila si Janet, madalas din daw dito na makarinig ng mga yabag at kakaibang boses.

Si Janet ay ang 116-year-old na manyika na orihinal na pagmamay-ari ng isang pamilyang taga-Texas noong 1903, makikita siya sa nasabing abandonadong building.

Gustung-gusto nina Jones at Wood na makunan siya ng picture kaya naman kinuha nila ito para masuri. Manghang-mangha sila dahil mukhang nakasara ang mga mata ng manyika, may eyeshadow daw ito sa talukap at may mascara sa pilik mata. Nagulat sila ng makitang nakadilat na ito.

“I love haunted objects and actually being on an investigation with a haunted doll is amazing, which is what made me want to get a picture with her,” pagkikuwento ni Jones.

“We took a picture with Janet, and as I looked at the picture it looked like her eyes were closed.

“But then I remembered that she doesn’t have any eyes or eyelids and just has empty sockets, so I turned my torch on to check, as it was dark and I saw that’s she doesn’t.”

Show comments