Yoga para sa sex

Marami sa atin ang nag-iisip na ang yoga ay para sa mayayaman lamang kaya hindi ito tinatangka ng marami.

Ngunit kung gusto mong mag-improve ang sex life, subukan ang yoga.

Sinasabing makakatulong ang yoga sa sex drive sa pamamagitan ng ginagawang paghinga sa pagyo-yoga kung saan inire-release  ang mga chemical sa brain na siya ring nire-release ng brain. Ibig sabihin, pagkatapos mong mag-yoga, enhanced na ang iyong sexual desire.

Bukod pa rito, may ilang postura sa yoga na nag-i-increase ng blood flow sa pelvic region kaya nag-i-improve ang iyong sexual response.

Hindi kailangang maging mayaman para makuha ang sexual benefits  sa pagyo-yoga.

Narito ang ilang yoga pose na inirerekomenda na makakatulong sa inyong sex life.

Squat Pose - Sa malalim na squatting pose napapanati­ling healthy ang pelvic joints dahil napupuwersang gamitin ang inner thigh muscles, hinahatak ang pelvic floor at nagagamit ang abdominals. Sinasabing nai-stimulate din ang sex glands at spleen o pali.

Do it: Mula sa standing position, paghiwalayin ang mga paa na hips-width distance apart na diretso ang mga daliri ng paa. Ilagay ang mga palad sa puso at unti-unting bumaba sa sahig. Ilagay ang biceps sa likod ng tuhod para mas bumuka para humaba ang spine at piloting iangat ang dibdib. (ITUTULOY)

Show comments