Yoga Para sa Sex
MAINGAT KA BA!? - Miss S (Pang-masa) - April 2, 2019 - 12:00am

Marami sa atin ang nag-iisip na ang yoga ay para sa mayayaman lamang kaya hindi ito tinatangka ng marami.

Ngunit kung gusto mong mag-improve ang sex life, subukan ang yoga. Sinasabing makatutulong ang yoga sa sex drive sa pamamagitan ng ginagawang paghinga sa pagyo-yoga kung saan inire-release  ang mga chemical sa brain na siya ring nire-release ng brain. Ibig sabihin, pagkatapos mong mag-yoga, nai-enhanced na ang iyong sexual desire.

Bukod pa rito, may ilang postura sa yoga na nag-i-increase ng blood flow sa pelvic region kaya nag-i-improve ang iyong sexual response. Hindi kailangang maging mayaman para makuha ang sexual benefits  sa pagyo-yoga. Narito ang ilang yoga pose na inirerekomenda na makatutulong sa inyong sex life.

CHAIR POSE - Nae-engage ang pelvic region sa chair pose dahil napupuwersa kang iangat ang pelvic floors habang ibinababa ang tailbone (puwet). Ito ang parehong muscles na ginagamit sa kegel exercise kaya nakatutulong ito sa intense control ng sexual organs.

Paano: Pagdikitin ang mga paa. Ibaba ang hips (balakang) na parang uupo sa silya at itaas ang kamay na nakadikit sa tenga. Isagad kung hanggang saan aabot ang pag-upo para hindi magkaproblema sa lower back at iangat ang pelvic floor para dumiretso ang spine.

(ITUTULOY) (Source: womensday.com)

 

SEX YOGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with