Hibiscus mabisang pampalambot ng buhok

Jasmine – Ang pagi­ging mabango ng bulaklak na jasmine ang ‘panlaban’ nito sa ibang mga bulaklak. Pero bukod dito, maganda rin pala ang jasmine sa mukha lalo na kapag hinaluan ito ng coconut oil. Durugin lang ang mga petals ng jasmine at ihalo sa tatlong patak ng coconut oil. Imasahe ito sa mukha ng paikot.

Hibiscus – Sa unang ti­ngin pa lang ay agad na maaakit sa taglay na ganda ng bulaklak na hibiscus. Mayroon itong iba’t ibang pattern at kulay na madali lang ding ala­gaan dahil nabubuhay ito sa tropical at temperature. Bukod sa pang-display, epektibo rin itong hair conditioner. Pakuluan lang ang 10 hanggang 15 piraso ng petals ng bulaklak na ito at pakuluan. Palamigin ito at saka ipangbanlaw sa buhok. Sa loob lamang ng dalawang ligo ay agad makikita na mas tumibay at kumintab ang buhok.

Rose – Sinasabing ang rose ang pinakasikat na bulaklak sa buong mundo dahil ‘di ito mahirap hagilapin. Durugin lang ang petals nito at haluan ng honey. Ang mixture na ito ay pwedeng ilagay sa labi at magsilbing lip balm.

 

 

Show comments