Zombie Family (39)
Gilda Olividado (Pang-masa) - March 26, 2019 - 12:00am

NAGMAMADALI si Herman sa paghabol sa zombie na si Marga. Tuwid na tuwid ito sa paglalakad pero mabilis.

“Marga! Saan ka pupunta? Hindi pwedeng  papatay ka ng tao! Hindi ba maaring mga dagang buhay na lang ang kainin mo? Tulad ng mga anak natin?”

Binalingan siya ni Marga. At para itong sawang buhay na tinakot siya. Ibinuka ang bibig at sumingasing.

“My God, Marga! No!”

Sa lakas ng sigaw ni Herman ay parang asong bumahag ang buntot ni Marga.

At humuhuni-huni ito na parang basang ibon.

Oo nga at ang pangit nitong pagmasdan, nakakadiri ang amoy pero ang damdamin ni Herman ay nanaig pa rin ang awa.

“Marga … ano ba ang dapat kong gawin para hindi ka na lang kakain ng tao?”

Tumitig naman sa kanya ang zombie. Naintindihan ni Herman ang ibig sabihin nito.

Lumabas si Marga pero hinintay din ang paglabas ni Herman. Paglabas ni Herman, isinara nila ang makapal na bato sa bunganga ng kuweba.

At sa makapal na mga tanim, nagawa uli ni Herman ang sumuko sa kailangan ni Marga.

Paulit-ulit niyang sinabi sa sarili na itong ginagawa niya ay magliligtas ng napakaraming tao.

Diring-diri mang isipin na nakipagtalik siya sa kalaguyong zombie para lang walang taong makakakagat at makakain … nakakaramdam pa rin siya ng pagmamalaki.

Nagagawa niyang tiisin ang amoy ni Marga, hindi niya kasi makayang isipin  na baka sa gabing ito ay maraming mauubos na katawan si Marga.

Nakapikit si Herman habang inaangkin siya ng kalaguyong zombie. Ipinagpapasalamat na lamang niya na walang anak siyang nakakakita sa kasagwaang ito.

Ilang sandali pa’y iniwan na ni Herman ang kuweba ng kanyang zombie family.

Pakiramdam niya ay para bang isa siyang  babae na violated. Isinuka ng buong pagkatao niya ang ginawa nila ni Marga.

And yet, alam niyang uulitin at uulitin nila ito. - ITUTULOY

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with