Healthy na puso ng mga pinoy

Ang puso ay madalas na binabalewala. Sa malas, ang heart disease ay pangunahing dahilan ng kamatayan pareho sa lalaki o babae. Shocking na malaman na halos kalahati ng adult sa U.S. ay maroong type ng cardiovascular disease lalo na sa mga Pinoy. Ang sanhi ng kamatayan ng sakit sa puso at cardiovascular disease ay kalimitan ay  inuugnay sa lifestyle. Puwede naman maiwasan ang mga sitwasyon sa simpleng healthier na pagpili. Maaari naman tumigil sa paninigarilyo, maging mas active, i-manage ang blood pressure, magbawas ng timbang, bawasan ang blood sugar levels upang masuportahan ang healthy na puso. Maging ang typical na low-fat diet ay hindi ticket sa mas healthier na puso.

Dapat na bawasan din ang processed food sa halip ay magpokus sa mga plan-base na pagkain tungo sa tamang direksyon ng diet. Punuin ang pinggan ng mga maberberdeng gulay.  Dahil loaded ito ng nutrients kasama ang vitamins A, C, E, at ilan pang bitamina na maganda sa puso. Ang gulay ay mayaman sa fiber, magnesium, potassium, at carotenoid antioxidants. Best source rin ang gulay ng vitamin K na kailangan upang mapanatiling healthy at flexible na arteries.

 

Show comments