Idols ng mga anak

Kilangang malaman ng bata na okey lang ang magkamali. Ituro sa anak na ang failure ay isang pagkakataon para matuto at mag-grow. Ipakita sa anak na mas magandang i-push ang sarili na sumubok na nagsusumikap kahit pa natalo kaysa manatili sa madaling task na konti lang ang challenge. Sa bawat kabiguan ay napapalapit na makamtan ang goal.

Ipaliwanag sa bata na ang mga abilidad ay puwedeng ma-develop sa pamamagitan ng hard work. Ang mga bata ay nakatingin sa kanilang mga idols na inaakala na ang taong yun ay natural lang na magaling. Ang ganitong mentalidad ay naka-fix na ang mindset na isang panganib ayon sa mga psychologist. Dahil hindi makita ng mga bata na galing sa hard work at nagsumikap ang kanilang tinitingalang idols bago narating ang tagumpay ngayon.

Show comments