Feng Shui Cure

1--Ang poster ng waterfall kung saan ang tubig ay bumabagsak sa isang ilog ay magandang idispley sa Southeast dahil magdadala ito ng magagandang oportunidad sa buhay ng nakatira sa bahay.

2--Gumawa ng Wish Bowl: Talian ng red ribbon ang crystal bowl at punuin ng makukulay na holen, crystal tumbles, coins, golden ingot. Ito ay mainam na idispley sa South para makamtan ang money luck.

3--Ang wall clock o table clock na may “seconds arm” ay mainam na ilagay sa South upang matapos ang mga projects na hindi matapos-tapos.

4--Kung nais mong bumilib ang mga tao sa mga trabahong ginagawa mo o kumalat sa madlang people ang galing mo sa iyong propesyon, magsindi ka ng incense sticks once a day sa bandang South ngunit kung ang project na ginagawa mo ay nangangailangan ng secrecy, huwag mo itong gagawin dahil siguradong kakalat ito.

5--Magtatagumpay ka at sisikat kung ididispley mo sa South ang iyong performance photograph, trophies, merits and achievements.

6--Ang pagsisindi ng kandila sa bandang South ay makakatulong upang malinis ang nasirang pa­ngalan at reputasyon.

7--Ang paglalagay ng bungkos ng yellow flowers sa Southwest ay nagdudulot ng maraming kaibigan saan ka man magpunta.

8--Ang bowl sa Southwest na puno ng quartz crystal ay nagdudulot ng magandang kalusugan.

9--Ilagay ang computer sa West, nagdudulot ito ng magiging malikhain.

10--Isulat ang wish sa malinis na papel. Itago ito sa West corner. Direction of dreams ang tawag sa West.

Show comments