Self-control at freedom ng teenager

Ang isa sa mahirap na dilemma ng mga magulang ay kung paano ihahanda ang mga anak na harapin ng mga teenager ang realidad ng mundo patungkol sa alcohol, drugs, sex, at karaniwang attitude na “meism”  o pagiging makasarili.

Habang safe at gabay ang anak sa bahay, kaila­ngang ma-expose ang anak sa mga problema, pero hindi ibig sabihin na payagan itong subukan ang mga nabanggit. Kundi i-train ang mga anak kung paano malalampasan na harapin ang mga sitwasyon ng buhay.

Malaki ang epekto ng mga magulang lalo na sa value at lifestyle ng mga anak. Ang simbahan at school ay makatutulong, pero maliban kung merong  involvement, suporta, at kalinga ng magulang ay hindi magiging maayos ang pag-aaral at buhay ng anak.

May mga anak na well behave sa bahay, pero wild pagdating sa labas kung walang self-control ng magulang. Kung kaya dapat matutunan ng anak ang self-control at kung paano i-handle ang freedom at pagiging independent ng anak.

Show comments