Marami sa atin ngayon ang nahuhumaling sa Korean food lalo na ang mga millennial. Nariyan ang samgyupsal na paboritong gawing bonding ng magbabarkada.
Isa pa sa kinaaadikang Korean food ay ang kimchi. Ituturo namin sa inyo ngayon ang paggawa ng kimchi fried rice.
Ingredients:
1 teaspoon na bawang
2 1/2 cups na kanin
3/4 cups kimchi (hiniwa ng maliliit)
2 tablespoons kimchi juice
1/2 teaspoon sesame oil
1 teaspoon vegetable oil
luncheon meat
salt & pepper
egg
Instructions
1. Igisa ang bawang sa loob ng 2 minuto.
2. Ilagay ang kimchi at igisa ng hanggang 3 minuto.
3. Sunod na ilagay ang kanin at iluto ng hanggang 5 minuto.
4. Idagdag na ang kimchi juice at iluto ng another 2 minutes.
5. Sunod na ilagay ang sesame oil at haluan ng luncheon meat .
6. Lagyan ng asin at paminta depende sa inyong panlasa. Lagyan ng sunny side up sa ibabaw. Burp!