BF Nabubuhay ang Dugo sa Iba

IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - February 24, 2019 - 12:00am

Dear Vanezza,

 

May gf ako na mahal na mahal ko. Pero may nakilala akong babae sa chat room. Nag-eye ball kami for the sake na magkita ng personal. Pero malakas ang sex appeal niya sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya may nangyari sa amin na sundan pa ng marami. Samantalang ang GF ko ay hindi ko ginagalaw dahil malaki ang respeto ko sa kanya. Pero naa-addict na ako sa mga sex capades namin ng ka-fling ko. Love ko ang GF ko, pero mas nabubuhay ang dugo ko sa ibang babae. Ano ang gagawin ko? - Benjie

Dear Banjie,

Kung hindi mo na magawang maging faithful sa GF mo ay palayain at kalasan  na siya. Kaysa sa umaasa at inaakala niyang siya lang ang babae sa iyong buhay. Hindi ka puwedeng mamangka sa dalawang ilog. Isang babae lang ang dapat mong piliin. Unfair din sa ka-fling mo dahil ginagamit mo lang siya.

Pag-isipan mong mabuti at gumawa ng desisyon na hindi mo pagsisisihan sa dakong huli. 

Sumasaiyo,

Vanezza

 

DUGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with