Panawagan sa mga Kalalakihan
(Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

Hindi maiiwasan na pintasan ang mga lalaki at kunin ang kanilang atensyon upang sabihan na maging responsableng tatay at asawa. Kung mabibigyan ng pagkakataon na mai-interview ang mga kalalakihan na nakakulong sa mga prisinto o sa Muntinlupa malalaman na wala silang kinalakihang tatay sa kanilang buhay.

Wala silang kinilalang ama sa kanilang tahanan na maghuhubog sana ng kanilang character, nagmamahal, maiiyakan, matatakbuhan, at masasabihan ng kanilang problema o kalungkutan. Marami sa kanila ay hindi nakilala o nakita ang kanilang mga ama. Kung mayroon man ay hindi rin nagpakita sa kanila ng magandang ehemplo. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit nauwi sila sa paggawa ng masama at nakakulong ngayon.

Kung kaya hinahamon ang mga kalalakihan na bumalik sa basic na pagpasan ng kanilang responsibilidad na pagsilbihan at mahalin ang kanilang misis at mga anak na puwedeng hagupitin ng masamang bagay at isyu sa kanilang buhay. Ang totoo lahat ay kailangang ng encourgement upang sila ay maging “men” ng kanilang mga misis at ama ng mga anak.

Ang mga tatay ay dapat kausapin ang kanilang misis tungkol sa hamon na kinakaharap bilang asawa at tatay. Pag-aralan ang mga simpleng hakbang upang maingatan at pangunahan si misis at mga anak bilang leader si tatay ng tahanan.

RESPONSABLENG TATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with