Kinaiinggitan ka ba?

3 steps para hindi ka na kainggitan:

Kailangan mo ay 2 pi­rasong kalamansi: bagong bili, sariwa at berdeng-berde ang kulay. Huwag huhugasan. Tig-isang hawakan ng kamay ang 2 kalamansi. Paikutin ang kalamansi sa iyong mga palad.

Habang pinaiikot mo sa iyong palad ang kalamansi ay paulit-ulit mong sabihin sa iyong sarili ang mga sumusunod for 5 mi­nutes: “Ang lahat ng masamang ginagawa sa akin ni (pangalan ng taong naiinggit sa iyo) ay nahihigop ng kalamansing aking hinahawakan.”

Itapon sa ilog o kanal na may umaagos na tubig ang kalamansi—tumalikod ka sa ilog o kanal na pagtatapunan ng kalamansi. Ang isang kalamansi ay itapon nang patalikod sa iyong kanang balikat at ang isa ay itapon din nang patalikod sa iyong kaliwang balikat. Huwag mong lilingunin ang mga kalamansing itinapon.

Maligo gamit ang tubig na hinaluan ng asin.

Show comments