Balat ng orange at yogurt
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - December 19, 2018 - 12:00am

Mayaman ang orange peel o balat ng orange sa vitamin C at mainam din ito sa kutis bilang skin tonic.

Mayroon namang major role ang yogurt sa pagpapakinis ng kutis. Nilalabanan nito ang discolorations at iba pang senyales ng pagtanda tulad ng pagkulubot ng kutis at pag-apir ng fine lines. Pinalalambot din ng yogurt nang mabuti ang balat sa mukha.

Sa face mask na ating gagawin, dalawang ingredients lang ang kakaila-nganin, ito ang yogurt at balat ng orange.

Pagkatapos kainin ang orange, ilagay sa grinder ang balat nito at durugin nang pinung-pino. Ilagay sa papel ang nadurog na balat ng prutas at patuyuin sa araw. Kung tag-ulan ay maaari naman itong patuyuin sa microwave.

Ihalo ang nakuhang powder sa yogurt hanggang sa makabuo ng smooth paste. I-apply ito sa mukha at ibabad ng 20 minuto. Pagkatapos ay banlawan gamit ang malamig na tubig. Gawin ito bago maligo.

 

 

YOGURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with