Self-defense training para sa OFW
Self-defense training para sa OFW
(Pang-masa) - December 9, 2018 - 12:00am

Hindi na mabilang ang mga overseas Filipino workers na kababaihan na biktima ng karahasan. 
Sa kabila nang marami ang napapahamak hindi pa rin mapigilan ang mga kakabayang Pinay na makipagsapalaran na magtrabaho sa ibang bansa. Maging ang mga ina ng tahanan na handang sumugal sa abroad kahit maiwan ang pamilya upang makatulong na mairaos ang pag-aaral ng mga anak.
Kahit talamak ang pang-aapi at pagmamaltratong domestic helper sa gitnang silangan na sa malas hindi na mabilang ang mga babaeng naging biktima ng karahasan at panggagahasa.

Talagang hindi na mapipigilan ang mga kababaihan na sumabak na magtrabaho bilang DH. Kung paano mahigpit ang requirements gaya ng medical at training bago ipadala sa ibang bansa ang DH.
Dapat gawing requirements din na dumaan sa self-defense training ang mga DH na kababaihan. Upang kahit paano ay matuto silang lumaban at protektahan ang kanilang sarili.
Upang maging aware ang kanilang mga Arabong amo na hindi dapat maliitin o samantalahin ang OFW.
Tutal hindi mapigilan ang mga babae na mangimbang bansa, at least bigyan natin sila ng kaalaman kung paano ipagtatanggol ang kanilang sarili.

 

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with