Ina na hadlang sa love life ng anak

Dear Vanezza,

Isang bipolar ang nanay ko na kapag malala ang atake ay nagkakaroon sila ng schizophrenia. Wala tuloy gustong manligaw sa akin na natatakot ang mga lalaki na baka nasa lahi namin ang pagkakaroon ng sakit sa utak. Meron akong crush sa klase namin, pero hindi niya ako pinapansin kahit alam niyang kinikilig ako sa kanya. Gusto ko na sanang magkanobyo, pero mukhang malabong mangyari  tuwing nalalaman nilang may sakit ang nanay ko. Tatandang dalaga kaya ako? – Lorns

Dear Lorns,

Huwag magmadali dahil tiyak na makakahanap ka rin ng lalaking magmamahal sa iyo. Kapag dumating yun ay hindi hadlang ang nanay mo sa lovelife mo. Habang wala pa ay mahalin si nanay at pagsilbihan upang gumaling sa kanyang pinagdadaanan. Kung makikita ni crush ang pagmamahal mo sa iyong nanay, baka sakaling humanga siya sa iyo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments