Mister na feeling nayuyurakan ang pagkalalaki

Dear Vanezza,

Hindi ko maintindihan ang mister ko na nakukuha pang magsugal samantalang baon kami sa utang. Nagtataka pa siya na walang amor ang anak namin. Samantalang nagtitiis akong makisama at magtrabaho rito sa Dubai para lang mabayaran ang mga utang at makaraos kami. Sinusumbatan ako ng mister ko na materialistic. Gusto ko lang naman makatulong sa gastusin. Kasalanan ko ba na hindi siya makahanap ng trabaho dahil sa mapili siya sa kanyang pinapasukan kung kaya hindi siya laging tumatagal. Ano ba gagawin ko? Kung uuwi ako paano na aasa na naman kami sa mga kapatid niya? Paano ba?

Tess

Dear Tess,

Baka magbago ang ihip ng hangin kung uuwi ka para makasama ang buong pamilya. Lalo na si mister na na­ngungulila rin sa iyo. Dahil feeling niya nayu­yurakan ang kanyang pagkalalaki dahil ikaw ang naghahanap buhay. Walang mister na gustong mawalay sa kanyang misis lalo na kung babae pa ang naghahanap buhay. Mag-usap kayo ni mister kung ano ang puwede gawin upang maaayos ang inyong pamilya.                                                                 

Sumasainyo

Vanezza

Show comments