^

Para Malibang

Murang ramen

BURP - Koko - Pang-masa

Hanggang ngayon ay dinarayo ang isang kainan sa Malate na may mura at masarap na ramen. Ang ating rerebyuhin ngayon ay ang Tantanmen ramen na best seller ng Erra’s Vest Ramen in Town.

May kabagalan lang ang serbisyo ng nasabing lugar dahil made to order ang mga pagkain dito na talagang pinupuntahan ng mga nagki-crave sa mura at masarap na ramen. Nang dumating sa amin ang order napakalaki ng serving bowl nito at kapansin-pansin agad ang malapot ang kulay pulang sabaw na maihahalintulad mo sa sabaw ng Singaporean dish na Laksa. Mainit at masarap ang maanghang sa sabaw na tama lang ang alat. May isa o dalawang hiwa ito ng manipis na karne ng baboy. Kahit manipis, malasa ito malambot. Grabe medyo bitin lang pero maaaring magpadagdag sa halagang 30 pesos. Puwede ring magpalagay ng itlog sa halagang 15 pesos naman.

Ang noodle naman nito ay may pagkamakunat pero masarap. May seaweed din na sahog ang ramen na lalong nagpapasarap nito. Sulit talaga ang P100 pesos mo dahil good for sharing din ang isang serving nito lalo na sa mga nagdidiyeta. Ang Erra’s Vest Ramen in Town sa Adriatico st. sa Malate, Maynila.

vuukle comment

RAMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with