Bigyan ng Credit ang Sarili

Madalas na makaramdam ng pagkadismaya o ma-upset kapag nakapokus lamang sa mga kapalpakan o pagkakamali.

Sa halip na bigyan ang sarili ng credit sa kung ano ang ginawang tama. Hayaan ang sarili na magkaroon ng confident sa mga bagay na na-accomplish kahit pa merong pagkakamaling nangyari.

Patawarin ang sarili kung pumalpak sa mga ibang bagay, dahil hindi na maibabalik o mababago ang nangyari. Sabihin na pinapatawad mo na ang iyong sarili na hayaang mag-move on at tanggapin kung ano ang nangyari.

Tandaan, kahit ano pa ang sitwasyon ay tingnan ang mga positibo at magandang bagay sa iyong buhay, sa kabila ng parang mas maraming bad o kapintasan sa mga nararanasan. Laging i-exercise na isipin ang puwedeng positibong matutunan upang maging healthier at happier ang iyong buhay.

Show comments