Para Maibsan ang Depression

Hindi puwedeng asahan na natural na mawala agad ang depression kung hindi iingatan ang sariling katawan ng maayos. Ang ehersisyo ay mahalaga sa lahat ng tao na makatutulong na maging maganda ang pakiramdam. Hindi naman kailangang intense na work out o pag-exercise. Puwedeng simulan nang dahan-dahan sa simpleng steps ng aerobics, zumba, basketball, pagsasayaw, at iba pang activities sa umaga o hapon. Sa pag-usad ay hindi namamalayan na magagawa ang maraming bagay na hindi inaasahan dahil sa gumaganda ang kalusugan. Hanggang unti-unting mag-level up sa gustong exercise.

Hindi kailangang magkulong sa loob ng bahay kapag dumaranas ng depression. Idaan sa ehersisyo upang makalabas ng bahay. Upang masinagan ng araw na malaking benepisyo kahit kanino. Ang init o sinag ng araw ay mayroong positibong impact sa indibidwal na nagpapataas ng dopamine at serotonin upang makatulong na gumaan at gumanda ang pakiramdam. Para maibaling ang isipan sa ibang pananaw at makalaya sa negatibong bagay.

Show comments