Katahimikan sa Bali

Kung ngayon pa lang ay nag-iisip na ng tahimik na selebrasyon ng Bagong Taon o holiday sa dara­ting na Christmas season, puwedeng i-check ang Bali, Indonesia.

Ang Bali ay nagdiriwang ng 24 hour na period ng silence at meditation na kilala sa tawag na “Nyepi”.

Walang fireworks, mahina lang ang usapan, bawal ang maglakbay, bawal ang magtrabaho, at walang oras para sa leisure activities. Kundi 24-hour na katahimikan para makapagpahinga ang katawan, isipan, at puso sa pagninilay. May opisyal na magbabantay at magsa­saway ng mga taong hindi susunod sa tradisyon kundi ay ikukulong.

Malayo pa lang ay nagpapaabiso na ang mga gobyerno na walang biyahe sa barko, bangka, eroplano, o ordinaryong sasakyan sa kalsada. Pero pagkatapos ng Nyepi na New Year’s Day kinabukasan ay bongga naman na oras ang selebrasyon at pakikipag-socialize sa pamilya, kaibigan, at ibang tao.

Show comments