Positive na Attitude

Ang negatibong bagay ay masama sa kalusugan. Maraming pag-aaral na ang pagiging positibo ay nagreresulta ng maganda sa physical at psychological na anyo.

Sa pag-aaral, ang mga taong may edad 25 hanggang 65 na nakitaan ng optimistic na levels ay mas malusog at nagpapabata ng kanilang itsura.

Pero ang mga taong puro nega ay mas mahina ang immune system na magkakaroon ng tumor o infection sa kanilang katawan.

Importante ang pagkakaroon ng positibong attitude na hindi lang maganda sa health, kundi may koneksyon din sa maayos na performance sa trabaho, pag-aaral, at paging productive sa maraming task.

Ang unang hakbang ay matutong magpokus sa positive na pananaw at tigilan na ang negative self-talk.

Ang negatibong pag-iisip ay mas powerful na sumi­sira sa realidad na dapat gawin.

Pero  mas pakinggan ang sariling boses na kayang gawin at malampasan ang mga problema sa buhay sa positibong pagtingin na nagpapagaan kahit sa mahirap na sitwasyon.

Show comments