Hindi boto ang hilaw na biyenan

Dear Vanezza,

Nanliligaw pa lang sa akin ang BFF ko sa akin. Pero nalaman ko na hindi boto sa akin ang nanay niya. Hindi ko pa nga siya sinasagot ay ayaw na agad sa akin ng hilaw kong biyenan. Tapos biglang nag-iba ang ihip ng hangin nang malaman niyang gusto kong maging nurse. Type ko pa naman ang BFF ko dahil feeling secure ako sa kanya. Pero paano na ang hilaw kong biyenan? – Cecile

Dear Cecile,

Huwag mo munang problemahin ang mga bagay na malayo pang mangyari. Ang maganda ay i-enjoy mo muna ang ligawan at samahan ninyo ng iyong BFF saka na lang problemahin ang hilaw mong biyenan.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments