_pang-masa
^

Cell Phone Tips at Tricks

(Pang-masa) - August 31, 2018 - 12:00am

Komplikado na nga­yon ang mga Smartphones.

Kung anu-ano na ang mga feature na inilalagay.

Ang dami na ring mga apps (applications).

Minsan feeling mo, mabilis na naubos ang battery. Or minsan magugulat na lang, anlaki pala ng data na nagamit mo. Naririto ang ilang tips na makatutulong para matipid ang baterya ng inyong cell phone at buma­ba ang gamit sa data.

Pagdidisable ng background data/apps

I-disable ang background data ng ‘di kaila­ngang apps. Maraming apps na tumatakbo kahit hindi naman ginagamit ito.

Dahil tumatakbo pa rin ang mga apps, kumukonsumo ito ng baterya kahit hindi ginagamit.

Kaya kailangan patayin ang mga apps na ito.

Sa iOS, puwedeng i-off ang background data sa app-by-app basis.

Pumunta sa Settings—General—Background App Refresh, at piliin ang mga apps na io-off.

Sa Android, puwedeng i-restrict background data ang bawat app.

Pumunta sa Settings—Data usage. Piliin ang app na ire-restrict, scroll pababa para i-restrict background data sa cellular networks.

Sa ganitong paraan, maiiwasan din ang sumob­ra sa inyong data plan.

SMARTPHONES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with