Patawarin ang Sarili

Maraming dahilan kung bakit feeling down o hindi masaya ang isang indibidwal. Maaaring dahil sa chemical imbalance, stressful na sitwasyon, genetic vulne­rability, at sa medications na iniinom.

May mga bagay na hindi natin makontrol kahit mayroong pang gabay ng professional na tulong. Pero puwedeng maiwasan ang level ng stress sa ating buhay.

Tulad ng nararamdamang pagkadismaya, regret, guilty, at mga nakalipas na hindi magandang karanasan.

Lahat ay nagkakamali na bahagi ng ating buhay. Pero huwag hayaan na mabaon sa kapalpakan na paulit-ulit na inilalagay sa iyong isipan na naiimpluwensiyahan ang iyong kinabukasan. Pilit din na sinisisi at pinahihirapan ang sarili.

Ang magagawa mo lamang ay matuto sa pagkakamali at maging mas mabuting tao o better person. Kung feeling na nakasakit ng ibang tao ay humingi ng tawad at mag-move on. Huwag hayaan ang konsensiya at regret mula sa nakalipas ang sisira sa iyong happiness.

Show comments