^

Para Malibang

Pangalawang Anino (536)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NASA Nigeria nga­yon si Nanette. Busy sa pagtulong. Hindi lamang sa mga tao kundi kahit sa mga hayop.

Masayang-masaya si Nanette lalo na at kasama niya si Arturo. Hindi bilang nobyo kundi bilang kaibigan pa rin.

“Napakagandang lugar kahit pa puro kahirapan.”

“Arturo, salamat sa pagsama, ha?”

“Ako nga ang dapat magpapasalamat, e. Dahil nakita ko ang kakaibang buhay. At kasali ako sa pagtulong mo. Hindi lang pala sa Pilipinas kaila­ngan ang pagmamalasakit at pagmamahal.”

“Totoo ‘yan, Arturo. At habang ginagawa natin ito, nagpapakalat ng pagmamahal at pag-aalaga, masayang-masaya ang Diyos. At lalong lumalakas ang puwersa ng kabutihan.”

“Ano na kaya nangyayari ngayon sa mga taong malapit sa atin sa Pilipinas? Sa bundok na banal, kung saan naroroon ang mga dating alagad ng mga demonyo ... wala bang dapat alalahanin sa kanila?”

Umiling si Nanette, nakangiti. “Sa ngayon ay nasa mataas na antas ang puwersa ng kabutihan. Napakababa naman ang antas ng kasamaan. Ang bundok na banal ay talagang mahiwagang lugar ng Diyos. Kahit ang prinsepe ng kasamaan ay nahihipo na ang puso ng kabutihan, Arturo.”

“Prinsepe ng kasamaan? You know him?”

“Ngayon ko lamang siya nakikilala kahit nandidito ako sa malayo. Dahil nga panalo ngayon ang puwersa ng kabutihan. Hindi ba, nakalapit siya sa akin noon nang wala akong ideya dahil nga napakalakas ng kanilang puwersa. Pero ngayon, ang mga divine senses ko ay buhay na buhay at nagagamit ko. Kahit nasa malayo ko, nararamdaman ko ang galaw ng kaaway.”

“Grabe, Nanette ... kaya nga kahit mahal na mahal kita, tanggap ko na hindi ko dapat ipilit at unahin ang nararamdaman ko sa iyo. Dahil kailangan na kailangan ka ng mundong ito. Ng mga taong kailangang lumayo sa kasamaan at kumapit sa kabutihan.”

Napangiti si Nanette, masayang-masaya. “Salamat, Arturo. Kahit hindi tayo magnobyo, hindi ka nawawala sa akin. Nandidito ka sa tabi ko para ipagtanggol at isulong ang kabutihan.”

“Masaya ako, Nanette. Masaya. Na-realize ko, hindi pala pag-ibig lang na normal ang masarap. Pagmamahal sa kapwa ay masarap din. Nakakagaan ng kaluluwa.”

ITUTULOY

 

 

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with