Tatay type ang oldies na foreigner

Dear Vanezza,

Gusto na uli mag-asawa ni papa dahil 2 years na rin siyang biyuda mula nang mawala si mama. Ang hindi ko lang ma-take ay gusto niya talaga ng foreigner kahit oldies na. Para raw makarating kami sa ibang bansa. Imagine as in 70 years old na lola ay papatusin ni papa para raw maging hayahay ang life namin. Tama ba si papa? -– Gigi

Dear Gigi,

Hayaan mo na si papa mo sa kanyang trip. Madali lang naman sabihin yun pero mahaba at mahirap ang proseso dahil bihira na sa mga babaeng oldies ang gustong makapag-asawa ng mas bata sa kanila. Maliban lang kung makatisod ang papa mo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments