Nawawalan ng respeto si lola kay lolo

Dear Vanezza,

Mula nang magkaroon ng alzheimer ang lolo ko ay nagbago na ang kanyang ugali. Minumura na niya si lola at lahat na lang ng ginagawa namin ay mali. Nawawalan na ng respeto ni lola sa asawa niya. Hindi ko naman siya masisi dahil sa maling ginagawa ni lolo. Ano ba ang gagawin namin? – Sai

Dear Sai,

Kailangan ipatingin ninyo sa neuro doctor si lolo upang malaman ang kanyang kalagayan bilang mayroon siyang alzheimer. Upang mabigyan din siya ng pangpa­kalmang gamot. Kailangan ng maraming pang-unawa at pasensiya sa pinagdadaanan ni lolo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments