Baby giraffe nakakatayo agad pagkapanganak

• Nakakatayo na ang ka­papanganak na giraffe pagkataos ng 30 minuto.

• Kayang makapatay ng isang lion ang simpleng sipa ng ostrich.

• Ginagamit ng mga si­naunang dentistang Griego (sa Greek) ang kamandag ng stingray bilang anesthesia.

• Nakakaubos ng 30 kilos na karne ang tiger sa isang kainan lang.

• Ginagamit ng mga Kangaroo ang kanilang buntot para magbalanse.

• Red, green, at yellow lang ang kulay na nakikita ng mga paru-paro.

• Milyun-milyong pu­no ang umusbong dahil nakalimutan ng mga squirrel kung saan nila binaon ang bury nut na pagkain nila.

• Ang howler monkey ay ang pinakamaingay na land animal, rinig na rinig ang kanilang ingay sa tatlong milya.

• Tanging ang seahorse ang may kakayahang manga­nak kahit lalaki ang kanilang kasarian.

• Hindi nagpapalit ng kulay ang chameleon para gayahin ang paligid nito, ginagawa nila ang pagpapalit ng kulay para ipakita ang kanilang emosyon at reaksyon.

Show comments