Utol kinukumpara kay kuya

Dear Vanezza,

Puwede bang mamili ng magulang? Si Kuya lang kasi ang paborito sa bahay. Laging bida sa aming pamilya, ang masaklap ay kinukumpara si kuya sa akin. Hindi nila alam na maraming kalokohan si kuya kapag kasama ang kanyang barkada. Minsan gusto ko nang ibuking si kuya na superhero sa bahay, pero nasa loob ang kulo. Isumbong ko na ba si kuya kina erpat? – James

Dear James,

Huwag padadala sa iyong pagseselos na unti-unti ka nang nilalamon. Ibaling ang iyong atensiyon sa ibang bagay. Hindi kailangang i-please ang lahat ng tao kahit pa inyong pamilya. Dahil sa bawat inggit ay nagtatanim ka na rin ng galit. Maging masaya sa iyong kuya. Hayaan siyang mabuking sa sarili niyang kalokohan.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments