Palatandaan na Mamalasin sa Pagbibiyahe

(Local or Abroad)

1--Magkakaroon ng problema sa passport, visa, ticket, at iba pang importanteng bagay na kailangan mo sa iyong pagbibiyahe.

2--May masasaga­sa­ang hayop patungo sa airport o sa pag-uumpisa pa lang ng biyahe.

3--Ilang araw bago umalis, mananaginip ka ng mga nakakatakot na nilalang o mababagsik na hayop.

4--Nakaranas ng minor car accident, flat tire.

Dapat gawin upang mahadlangan ang kamalasan:

1--Magbaon ng isang pack na asin habang nagbibiyahe.

2--Kumuha ng isang dakot na asin at itapon ito nang patalikod. Yung asin ang haharang sa bad energy na sasama sa iyong pagbibiyahe.

3--Akala ng iba ay malas na may makasabay na libing habang nagbibiyahe. Ang totoo, hinihigop ng libing ang kamalasan.

Bilang pasasalamat sa namatay, maghagis ka ng barya sa kalsada upang kapag napulot iyon ng isang mahirap at kanyang magamit sa pagbili ng pagkain, good karma ang iyong makakamtan.

Show comments