Pabor ka ba sa divorce?

* Hindi, dahil wa­lang makapaghihiwa­lay sa mag-asawa. Till death do us part.Yan ang sabi ng Bible. Maraming matin­ding proble­ma, pero la­ging dapat nagpapatawad upang manatili sa relasyon.

– Chem, Manila

* Ako ayaw ko rin sa divorce. Pero paano kung bugbog sarado ka na. At wala nang natitirang respeto sa iyo dahil hindi ka man lang trinatratong bilang isang tao. – Lex, Marikina

* Ang nanay at tatay ko ay mayroong forever. Kaya gusto ko rin makasama hanggang sa pagtanda namin ang mister ko. Kahit marami na kaming apo.

– Jocelyn, Benguet

* Sa rami ng kasong pang-aabuso sa mga babae, panahon na para pa­kinggan ang divorce bill. Hindi para sirain ang pamilya. Kundi proteksiyon din sa mga nanay at mga anak na biktima ng mga walang kuwentang lalaki sa mundo. – Janice,  Bataan

* Higit na dapat bantayan at alagaan ang pagsasama ng mag-asawa. Huwag bigyan ng puwang ang anomang tukso na ma­kakasira sa relasyon ng mag-asawa na uuwi lang sa divorce.

– Lei, Dasma

Show comments