Nanay nilamon ng sawa

Marami ang nagimbal sa dahilan ng biglaang pagkawala ng 54 anyos na ginang sa Muna island, southeast Sulawesi, central Indonesia.

Base sa mga witness, huling nakita ang ginang na kinilalang si Wa Tiba sa kanyang taniman nang bigla na lamang itong naglaho.

Siyempre pa ay nag-alala ang pamilya ni Wa Tiba ngunit kahit ginalugad na nila ang kanilang taniman ay hindi nila ito nasilayan.

Nakita lamang nila ang sawa na pitong metro ang haba at ang mga gamit sa pagtatanim ng biktima.

Agad na hiniwa ng mga kawani ng barangay ang tiyan ng sawa. Doon na nila nakita ang bangkay ng biktima na buong-buo pa.

Show comments