Pagkain ayon sa moods

Napag-alaman sa pag-aaral na ang ating moods ay nagdidikta kung ano ang gustong nating kainin. May mga listahan ng pagkain na kapag natatakam ay katumbas sa kung anong moods meron ang isang indibidwal.

Sa halip na inihahayag ang ating emosyon ay idi­nadaan sa pagkain na tina-translate ng ating katawan bilang comfort, fulfillment, o pagkadismaya.

Halimbawa na kapag ang cravings na gustong uminom ng sofdrinks, ice cream, at ibang sweet na food, palatandaan na ito ay nababalisa sa kung saan.

Kung naghahanap ng pagkain gaya ng pasta at crackers na tipong gusto mong mabusog; ibig sabihin ikaw ay malungkot at sexually frustrated.

Sa tuwing feeling na  gustong kumain ng mga crunchy, pinirito, o karne ito ay reflection na maaaring nagagalit. Kung basta na lang gustong kumain ng kahit ano o lahat nang makita, puwede nakararanas ng selos sa kung kanino.

Sa scientific research, kapag nahihirapan ang tao sa nararanasang emosyon at kung paano i-deal ang mga bagay, mas prone ito sa binge eating na ibinabaling sa sobrang kain o pag-inom ng alcohol ang nararamdamang emotions.

Show comments