Hindi maasahan ang nobyo

Dear Vanezza,

Sobrang lungkot ko dahil mayroong kabit si mama habang nasa Saudi si papa. Gusto kong manghingi ng payo sa BF ko dahil sa kanya lamang ako nagsasabi ng problema namin sa bahay. Pero hindi man lamang niya ako ma-comfort. Hindi ko alam kung umiiwas lamang siya dahil broken family rin sila. Hindi ko man lamang maasahan ang BF ko samantalang siya dapat ang karamay ko. Gusto ko siyang makausap, pero wala siyang time para sa akin. Ano po ba ang gagawin ko? – Winnie

Dear Winnie,

Hindi ka dapat umasa sa BF mo upang humugot ng lakas. Malay mo wala rin siyang maipayo dahil hiwalay  rin ang magulang niya. Kailangan mong manalangin at humingi ng tulong sa Dios sa inyong problema.  Magpa­katatag ka at lilipas din ang araw at malalampasan mo pa rin ang iyong problema.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments