Ayaw sa Binatang Ama na Manliligaw

Dear Vanezza,

Ako ay 25 years old at may manliligaw ako na isang binatang ama, kahit maganda ang trabaho ay hindi boto ang parents ko. Nasa kanyang katangian ang hanap ko sa isang lalaki. Pero ayaw siyang bigyan ng chance ng magulang ko sa minsan niyang pagkakamali. Paano ko ba makukumbinsi ang parents ko? - Sherly

Dear Sherly,

Nasa edad ka na para magdesisyon para sa sarili mo. Pero iniisip lamang ng magulang mo ang kapakanan mo. Kung desidedo siya ay hindi magiging hadlang ang sitwasyon niya upang patunayan sa magulang mo ang kanyang maganda at tapat na intensyon para sa iyo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments