Wood paneling sa dingding na hindi kailangan ng martilyo at pako

Bored na ba kayo sa hitsura ng inyong kuwarto? Kung hindi patok sa inyo ang simpleng pagpintura o kaya naman ay mga madaling ikabit na wallpaper, eh may isa pa kayong maaaring gawin para sa mas sosyal na look.

Marami na ngayong nabibili na wood paneling na hindi kailangang ipako. Mas mabilis ito at mas madali, bukod pa riyan ay hindi kailangang butasan ang dingding. Perpekto ito sa mga nagre-renta rin dahil wala sila masyadong damage na magagawa sa bahay.

Magdisenyo lang ng gustong pattern at putulin ang Stikwood panels. Kapag nakuha na ang tamang posisyon ay maaari nang tanggalin ang tape sa likod para maidikit na sa dingding.

Napakadali lang nito at napakabilis gawin.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!

Show comments