Kinakabahan sa babala ng mga kaibigan

Dear Vanezza,

 

Biyuda na ako na nag-asawa muli. Matanda ako ng 10 taon sa guwapong mister na 35 years old. Pero baka pera ko lang daw ang target sa akin kaya ako pinakasalan sabi ng mga kaibigan ko. Masipag ang mister ko sa negosyo namin at maalaga sa akin. Pero may dahilan ba para mag-worry ako? Kasi kinakabahan ako sa babala ng mga kaibigan ko. - Arcizy

Dear Arcizy

Hindi maganda na nababalisa ka sa bagay na hindi pa naman nangyayari. Huwag mong isipin ang mga babala ng kaibigan mo. Habang nakikita mo na masipag siyang magtrabaho at maayos ang negosyo ninyo bilang mag-asawa, palagay ko’y wala kang dapat ikabahala.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments