BFF na magulang

Tama ba na maging kaibigan ng anak ang kanilang magulang? Oo naman, walang masama kung maging BFF ng anak sina nanay o tatay. Pero mag-ingat, dahil ang friendship sa anak ay hindi dapat ang maging pinaka-goal o priority sa relasyon ng dalawa.

Responsibilidad ng magulang na turuan na ma-build sa anak ang self-confidence, determinasyon, at skills na kayang harapin ang hirap at kabiguan sa buhay ng mga bata. Isang paraan para ma-develop ang mga nasabing skills ng mga anak ay laging handang suportahan at i-cheer sila, pero hindi puwedeng naka-rescue ang magulang kung mayroon silang demerit, detention, o parusa mula sa kanilang school o buhay. Natural na mayroong kabiguan at consequence na dapat ay magsilbing hamon sa anak na matutunang malampasan ito sa sarili nilang skills at kakayahan.

Ang mahalin ang anak ang best interest ng magulang, na hindi maiaalis nandun lagi sa tabi ang bata. Pero ha­yaan mag-explore ng safely ang anak sa loob ng boun­daries. Tulungan at mahalin ang anak ng unconditional, na sapat sa sitwasyon kailangan ng bata.

Show comments