Fengshui Cures

1—Ang paglalagay ng picture ng dagat at ilog or paglalagay ng fountain sa North ay nakakatulong upang dumaloy ang mga oportunidad sa inyong buhay.

2—Mainam na maglagay ng munting library sa Northeast para sumipag ang mga bata sa pag-aaral. Ang isang bookshelf ay ikinukunsiderang munting library.

3—Ang malulusog na halaman sa East ay nagreresulta ng magandang samahan ng magkakapamilya.

4—Ang picture na nagpapakita ng masayang pamilya sa East corner ay nagdudulot ng family relationship luck.

5—Ang 3 bells na nakatali sa pulang tali (tingnan ang illustration) at nakasabit sa East ay nagdudulot ng magandang samahan ng magulang at mga anak na teen-agers.

Itutuloy       

Show comments