Pangalawang Anino (394)
SI YAWAN ay nasa beach, inaasahang makikita si “Arturo”.
“Sabi niya mga ganitong oras …”
Masayang isipin na makikita ko siya.”
Kahit may iba rin akong nararamdaman na bago sa akin … ang tawag yata dito ay … guilt.”
Hindi ko ma-imagine ang sarili ko noon na may ganito … may guilt. Dahil lang hindi ko sinabi kay Nanette na nakita ko si Arturo, nagkausap kami …”
Ang Yawan noon ay walang kunsensya, libreng-libreng gumawa kahit ano basta makakapagpasaya sa akin …”
Bakit ngayon, may kunsensya na ako?”
Bigla tuloy siyang nagdalawang-isip kung siya ba ay tutuloy na makikipagkita kay Arturo.
“Inagaw ko siya kay Nanette noon. Marami akong sinaktan at may mga napatay pa dahil sa emosyon ko kay Arturo.
Hindi dapat ito. Hindi puwedeng magtatraydor na naman ako kay Nanette. Kailangan talagang masabi ko muna kay Nanette na nagkita kami ni Arturo. At kung okay lang sa kanya na magkakalapit kami uli, saka ko itutuloy ang pakikipaglapit sa lalaking inagaw ko sa half-sister ko.”
Kaya bumalik si Yawan sa beach house. Determinadong huwag munang makipagkita kay “Arturo”.
Ang demonyong prinsepe naman na nagpapanggap na si Arturo ay galit nang makita si Yawan na umatras palayo.
“Inayawan niya ako? Bakit?”
Hindi niya mabasa ang isip ni Yawan.
Gusto niya itong sundan at parusahan dahil ginalit siya pero alam niyang magagalit ang kanyang amang demonyo.
Bumulong siya para maririnig ng kanyang ama na nasa Itom pa rin.
“Nakita n’yo ba ang ginawa ni Yawan, ama? Bakit ‘yon umayaw? Hindi ako papayag na masisira ang misyon ko! Sasakalin ko ang babaing ‘yan!”
Narinig niya ang nasagap ng kanyang utak na sagot.
“Huwag kang padalus-dalos. Importante ang misyon mo. Expected ko nang magkakaganyan si Yawan kasi nga bumabait na siya. Nagiging sakop na siya ng kaaway nating Diyos. Kailangan maakit mo siyang muli. Hayaan mo lang muna siya ngayon, anak kong demonyo.” Itutuloy
- Latest