^

Para Malibang

Pera o Ganda?!

ANGAS NG BAE - Pang-masa

• Pera siyempre! Aanhin mo ang ganda kung wala namang pera? Eh kung may pera ka ang dali lang na­mang magpaganda ‘di ba? Sige nga, kaya mo bang makipagrelasyon sa pangit na nga wala pang pera! Hahahaha. Hindi naman sa pagmamayabang, guwapo naman ako kahit walang pera. Werpa! – Niko, Sorsogon

• Hindi na kailangan pang itanong. Ganda ang pipiliin ko. Eh aanhin mo ang pera kung walang face value ‘di ba? Saka hirap naman nun nakatago lang sa make-up hahaha. ‘Pag naligo na, lalabas na ang tunay na anyo hahaha. Pero ‘walang hurt feelings ha. Mas gusto ko pa rin ang maganda kesa sa mayaman. ‘Di na ako magpapakaipokrito. – Lance, Quezon

• Kung ako ang papipiliin, kahit ano basta mabait. ‘Yung kalooban lang naman talaga at ugali ng isang tao ang importante. Kahit gaano pa kaganda/kapogi o kayaman ang isang tao kung ang ugali naman niya ay sobrang nakakasuka, thank you na lang. Sa’yo na ‘yang pera at ganda mo. Hindi ko kailangan ng taong ipagmamalaki lang dahil sa pisikal na kaanyuan o estado sa buhay. Gusto ko ‘yung mabuti ang kalooban. – Lester, Baguio

• Dun tayo sa praktikal siyempre. Ang hirap na ng buhay ngayon, gung magdyodyowa pa ako ng walang pera eh good luck naman. Baka mag-date kami sa pishbolan. Kung magpapakasal kami baka hirap kaming bumuhay ng pamilya. Hindi naman ako mayaman, hindi rin naman ako guwapo. Pero ang pipiliin ko ay ‘yung mapera para mabuhay. – Greg, Bataan

• Naku, siguro kung ako papipiliin, ganda na lang. Hirap naman kung peke ang ganda niya, paano kapag nagkaanak kami? Eh ‘di dun pa lang lalabas ang totoong hitsura niya? Mas pipiliin ko na lang ang maganda kahit na walang pera. Marami naman akong pera eh. Saka madali lang gumawa ng pera, eh ang ganda napepeke. Hehehe. – Richard, Iloilo

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with