Pinakamadaling weekend project ngayong summer

Summer na naman at magandang gumawa ng mga weekend project sa tulong ng mga anak. Kung hindi man ay mas payapa tayo dahil relax na sa mga nagbabakasyong bata.

Ang isa sa maganda at pinakamadaling gawin para mag-renovate o magbigay ng bago sa ating bahay ang pag-repaint ng front door. Ang pintuan kasi sa harap ng bahay ang unang-unang makikita ng mga bisitang pupunta sa ating mga tahanan.

Ngayong summer, mas magandang pinturahan ito ng bright colors para swak sa panahon. Maaaring pinturahan ito nang nakakabit, siguruhin lang na may mga tamang pang-cover sa paligid at sa flooring para hindi mamantsahan. Maaari rin namang tanggalin ang pintuan para mas malinis ang pagkakapinta rito.

Pagkatapos nito ay mas madali nang ma-inspire na isa-isahing ­ayusin ibang parte ng bahay.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!

Show comments