^

Para Malibang

Pangalawang Anino (370)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

MALUTONG ang mga halakhak ng hari ng kadiliman. “Tama ang pagsugal ko kay Yawanaya. Siya ang perpektong alagad.  Malupit, mautak at hindi siya ordinaryong nilalang!”

“Panginoon ng dilim, paano na si Yawan?”

“Hayaan mo na siya. Ayokong isama siya kay Yawanaya. Hindi na ako sigurado sa takbo ng utak niya. Mahirap na, focus lang ako ngayon kay Yawanaya!”

“Pero sayang din naman si Yawan, baka maipluwensyahan siya nina Nanette. Paano kung tuluyan siyang bumait?”

 “Ahhh, wala na akong pakialam! Dahil aliw na aliw na ako kay Yawanaya!”

“Huwag naman, panginoon ng dilim. Mas okay kung sabay na nasa control mo sina Yawan at Yawanaya.”

“Sapat na sa akin ang pangalawang anino. Kapag nasa akin na ang the best, bakit kailangan ko pang i-retain ‘yung pumalpak na?”

“Sigurado kayong mas matalino kaysa kay Yawan si Yawanaya?”

“Sigurado. Sa kanyang tingin, sa bilis niyang kumilos at sa kanyang kakayahan na humahalo siya sa dilim ... para na rin akong may laruan na hindi ordinaryo.”

“Kayo po ang masusunod. Tanggap ko naman po kung binitiwan mo na si Yawan. At sana nga puro na tayo panalo ngayong ang pangalawang anino na ang paborito ninyo.”

“May plano din ako doon sa isa pang anino.”

“A-ang unang anino? May pangalan na ngayon ‘yon, si Angela. Naku, kabaligtaran siya ni Yawanaya. Sa ibang panginoon sumasamba! Bakit di mo parusahan?”

“Hindi kailangan ang parusa. Dahil sa plano ko sa kanya, para na ring higit pa sa parusa ‘yon!”

“Ano’ng plano?”

“Dalawang anino ang maghahasik ng kalupitan at lagim! Kayang-kaya kong demonyohin ang isipan ni Angela!”

Na-excite si Tagapag-alaga. “Napakagandang plano. Hindi malalaman noong nobyo na ang kasama pala niya sa bahay ay may mga sungay at buntot na! Nabubuwisit ako doon sa nobyo, puwede kayang iyon ang una niyang biktima?” -  ITUTULOY

 

 

 

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with